Piso sumadsad sa P57.135:$1

Piso sumadsad sa P57.135:$1

September 7, 2022 @ 6:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang pagbaba ng halaga ng Philippine peso laban sa US counterpart ngayong Miyerkules.

Ang local currency ay bumulusok sa P57.135:$1 kumpara nitong Martes na P57.00:$1, ang nakaraang all-time low. Ito ang ika-apat na magkakasunod na trading day na sumadsad ang piso.

“With inflation likely kicking into higher gear as we head for the winter season, central banks have dug into the sand and vowed to snuff out inflation, seemingly at all costs,”  sabi ni ING Bank Manila chief economist Nicholas Antonio Mapa.

Samantala, itinaas naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang rates ng 50 basis points noong Agosto, 75 basis points sa isang off-schedule hike noong Hulyo, at tig-25 basis noog Hunyo at Mayo.

Inihayag naman ni BSP Governor Felipe Medalla ang posibilidad ng policy tightening,at sinabing kinakailangang tugunan muna ang food supply at petroleum prices bago ikonsidera ang “pause”.

“BSP will likely be making cursory appearances to help slow the depreciation trend but it will be difficult to stem the tide completely,” ani Mapa.

“The central bank has been aggressive off late in hiking policy rates to defend collapsing interest rate differentials but we know that EM central banks can only do so much to cushion the impact of the impending storm,” dagdag niya.

Subalit, inihayag din ni Mapa na ang ekonomiya “has been nursed back to life” dahil sa ilang buwang suporta ng monetary at fiscal authorities.

“BSP will likely sustain rate hikes in the near term and bank on the reserves it aggressively built up during the pandemic to get through,” paglalahad niya. RNT/SA