Piso tumalon sa P57:$1

Piso tumalon sa P57:$1

September 6, 2022 @ 5:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines-  Patuloy ang pagbaba ng halaga ng Philippine peso sa ika-apat na sunod-sunod na trading day nitong Martes, na naitala sa bagong all-time low, sa patuloy na paglakas ng dolyar sa gitna ng malakas na demand.

Mas mababa pa ang halaga ng piso sa P57:$1, kumpara sa naunang naiulat na record low na P56.999:$1 nitong Lunes.

Patuloy naman ang pagtaas ng US dollar kumpara sa maraming regional currencies.

“Still on USD strengthening on Fed hike signals, plus import season is starting so more demand for USDs locally,” sabi ni Security Bank chief economist Robert Dan Roces.

Karaniwan na sa bansa ang mas maraming import tuwing huling bahagi ng taon kasabay ng Christmas holidays, na nangangahulugan ng mas maraming remittance inflows na ipinadadala ng mga Pilipino na nasa ibang bansa.

“Peak remittance season is coming up, so it may help cap the weakening,” ani Roces.

“However, this still depends on how strong the USD will get given the Fed’s hike pace,” dagdag niya.

Pumalo ang inflation clocked sa 6.3% para sa buwan ng Agosto, na mas mabagal kumpara sa 6.4% noong Hulyo, subalit mas mabilis pa rin sa target range ng central bank na 2% hanggang 4%. RNT/SA