Pista ng Sto. Nino sa Maynila, dinagsa!

Pista ng Sto. Nino sa Maynila, dinagsa!

January 15, 2023 @ 2:44 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naging sentro ng selebrasyon ng Kapistahan ng Viva Sto.Niño sa Metro Manila ang Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo Parish ngayong Linggo, Enero 15.

Sa nasabing Archdiocese, nagdaos ng 33 misa para sa Kapistahan mula alas-3 ng hapon nitong Enero 14 hanggang alas-12 ng hatinggabi at mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas 11 ng gabi ngayong Linggo, Enero 15– ang mismong Kapistahan ng patron.

Sa Maynila, ipinagdiwang din ang Pista ng Sto. Niño sa Pandacan kung saan walong misa naman ang idinaos sa Santo Niño de Pandacan Parish.

Simula kahapon, dispersal ay dinagsa na rin ng mga tao mula sa ibat-ibang lugar ang Tondo.

Nagkaroon ng motorcade hanggang ngayong araw pero ilang aktibidad na ang sinimulan sa mga Barangay at Simbahan mula Enero 5 hanggang 13.

Bitbit ng mga pananampalataya at deboto ng Viva Sto.Niño ang mga replica ng imahe ng patron na hand carry.

Matapos ang ilang taong pandemic, tila nanumbalik naman ang saya sa Tondo dahil sa Lakbayaw Festival kung saan ibat-ibang uri ng pag-indak o sayaw ang ipinamalas ng mananayaw at Buling-Buling naman sa Pandacan.

Mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad ang Manila Police District (MPD) sa nasabing pagdiriwang. Jocelyn Tabangcura-Domenden