‘Pistolerong’ estudyante huli sa kampus sa Bulacan

‘Pistolerong’ estudyante huli sa kampus sa Bulacan

October 5, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


Bulacan – Hinuli ng mga awtoridad ang isang lalaking 17-anyos na estudyante matapos magdala ng baril sa loob ng paaralang pinapasukan niya sa bayan ng Marilao, nitong Oktubre 3.

Sa report ng Marilao police, naaresto ang binatilyong residente ng Brgy. Abangan Sur bandang alas-2:30 ng hapon sa isang paaralan sa lugar na hindi na pinangalanan.

Ayon sa impormasyon, dahil sa pakikipagtulungan na rin ng school’s Officer-In-Charge sa mga awtoridad sa report na may estudyanteng kargado ng baril ay tuluyang nahuli ito.

Narekober sa binatilyo ang isang Colt cal. 45 pistol na may magazine, bala at dalawa pang magazine.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang minor habang nasa kostudiya ng Municipal Social Welfare and Developement. Dick Mirasol III