Pistolerong ex-tanod ayaw pahuli ng buhay,nagbaril sa ulo

Pistolerong ex-tanod ayaw pahuli ng buhay,nagbaril sa ulo

January 19, 2022 @ 3:23 PM 7 months ago


Bulacan-Arestado ang isang dating barangay tanod na nagpaputok ng baril at kalaunay nagbaril sa ulo matapos rumesponde ang pulisya sa San Miguel.

Kinilala ang suspek na si Marcelo Yambot,dating tanod,residente ng Brgy.San Agustin ng naturang bayan.

Ayon sa report,napagalamang nagpaputok ng baril si Yambot sa tapat ng kanyang bahay nitong Martes.

Nang makarating sa kaalaman ng pulisya ay agad rumesponde sa lugar hanggang sa makita ang suspek na hawak ang cal.38.

Sinabihan ng mga pulis ang suspek na isuko ang baril subalit walang kaabog-abog na itinutok sa kanyang ulo at pinaputok ito.

Dahil dito,agad dinala ng mga awtoridad sa pinakamalapit na ospital ang sugatang tanod para sa paunang lunas at nalamang nasa maayos ng kalagayan.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang naturang suspek.(Dick Mirasol III)