Pagadian City – Pito ang patay habang nasa higit kumulang 50 ang sugatan sa matapos mawalan ng preno ang sinasakyang jeep sa highway ng Barangay Dao, Pagadian City.
Nabatid na sakay nito ang ilang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps mula sa bayan ng Labangan at pumunta lamang sa Pagadian City upang mag-withdraw sana ng kanilang monthly cash assistance magtanghali kanina.
Nang tumagilid ang jeep ay nadamay nito ang higit kumulang limang sasakyan at sa lakas ng pagkakasalpok, napunta ang PUJ sa gilid ng kalsada at tumilapon ang mga sakay nito.
Dead on arrival sa ospital ang limang biktima na nakilalang sina Ernesto Genecan, Joly Genecan, Tato Genecan, Lots Pecay, at Marry Joy Gengan, habang hindi pa nakilala ang isa pang biktima na dead on the spot sa aksidente.
Samantala, nilalapatan na ng lunas ang mga sugatan sa Zamboanga sel Sur Medical Center. (Remate News Team)