Pitong lalaki, hinoldap ang isang resto sa QC

Pitong lalaki, hinoldap ang isang resto sa QC

July 5, 2018 @ 8:57 AM 5 years ago


 

Quezon City – Hinoldap ng pitong lalaki ang isang restaurant sa Cagayan St., Quezon City, kagabi.

Kuhang-kuha sa CCTV ang ginawang krimen sa pasarado nang kainan alas-11:30 ng gabi, kahapon.

Ayon sa footage, dumating ang tatlong motorsiklo sakay ang mga suspek at agad na bumaba ang apat sa kanila at saka ito nag-anunsiyo ng holdap.

Tinutukan nila ng baril ang mga kumakain at mga nagtratrabaho sa biktimang kainan.

Hindi bababa sa isang minuto, nilimas ng mga kawatan ang mga cellphone, bag, at pera ng mga biktima.

Ayon sa may-ari ng kainan, kakabukas lang nila tatlong buwan pa lang ang nakalilipas at ilang beses  na rin umano siyang binalaan na baka raw maholdap ang kaniyang kainan dahil malakas daw umano ang kita nito.

Hinala ng barangay, posible umanong alam ng mga holdaper ang galaw ng kainan at malamang ay matagal na rin itong minamatyagan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis ukol sa insidente. (Remate News Team)