Pitong landslide naitala sa Iligan

Pitong landslide naitala sa Iligan

January 15, 2023 @ 11:41 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nakapagtala ng pitong landslide na sumira sa mga kalsada at tirahan sa ilang mga barangay sa Iligan City, ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Ani CDRRMO chief Nouvel Krish Aemery Lagapa, ito ay dulot ng malalakas na pag-ulan dahil sa low pressure area (LPA).

Ang mga lugar na apektado ng landslide ay ang mga sumusunod:

– C3 diversion road
– Suarez-Abaga road
near the entrance of a military detachment on the national highway in Barangay Suarez

– Sitio Olas in Barangay Ubaldo Laya
– Barangay Upper Hinaplanon
– Barangay Rogongon
– At dalawang landslide sa Barangay Pugaan

Barado na rin dahil sa putik at mga bato ang bahagi ng access road ng Sitio Green Valley sa Barangay Tubod ng naturang lungsod dahil sa gumuhong gilid ng burol.

Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa insidente. RNT/JGC