Pitong-taon nagtago, nanggahasa sa probinsya nadamba sa Malabon

Pitong-taon nagtago, nanggahasa sa probinsya nadamba sa Malabon

October 13, 2022 @ 11:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagwakas ang halos pitong taong pagtatago ng isang lalaking wanted sa kasong panggagahasa sa Cagayan de Oro nang matiklo ito sa Malabon City kamakalawa.

Arestado si James Ronase y Juance, 47, driver, may kinakasama at dating residente ng PN ROA Calaanan, Canitoan, Cagayan De Oro City at bago naaresto ay naninirahan sa 82 Kaunlaran St., Brgy. Muzon, Malabon City.

Dinamba ang suspek hapon ng Oktubre 12 sa bisa ng warrant na inilabas ni Hon. Jose L. Escobido noong Pebrero 22, 2016, Presiding Judge, Regional Trial Court of Misamis Oriental, Branch 37, Cagayan de Oro City para sa kasong rape by sexual assault (two counts) at sexual abuseby lascivious conduct (two counts).

Halagang P200,000 bawat bilang ang inirekomendang pyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng dinakip. Merly Iral