PITX ops balik-normal na

PITX ops balik-normal na

October 31, 2022 @ 9:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang operator ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong weekend sa mga pasahero na limitahan ang kanilang bagahe, sa muling pag-arangkada ng operasyon kasunod ng pagtama ni Tropical Storm Paeng (international name: Naegi).

Base sa PITX operator, halos 500 pasahero ang stranded nitong weekend dahil sa masamang panahon, subalit gumulong na muli ang mga biyahe hanggang nitong Linggo.

“Mainam na kaunti lang ‘yung dalhin nila para unang una, hindi sila mahirapan,” ani PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador.

“Pangalawa, para makapagdala rin naman ‘yung kanilang mga kasabay sa pampublikong sasakyan,” dagdag niya.

Ilan sa mga stranded ay mga pasahero na nasa PITX na araw pa lamang ng Biyernes.

Inihayag naman ng PITX officials na balik-normal na ang operasyon hanggang nitong Linggo ng gabi, at patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon. RNT/SA