Plano ni Salceda, minimum wage itaas sa P1K, kuryente ibaba sa P7/KwH

Plano ni Salceda, minimum wage itaas sa P1K, kuryente ibaba sa P7/KwH

December 3, 2022 @ 9:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni House Ways and Means panel chairperson Joey Salceda ng Albay nitong Biyernes, Disyembre 2 na naipahayag na niya ang planong pagdaragdag sa minimum wage sa P1,000 at pagpapababa ng halaga ng kuryente sa P7/kilowatt-hour.

“I have discussed with [The Joint Foreign Chambers of the Philippines] my Plan 1k7k – increase the minimum wage to P1,000 by reducing energy costs to P7/kilowatt-hour. That level of wage will allow workers to invest 35% of their earnings in pension, health insurance, and housing, which will create a new middle class in the country,” paliwanag ni Salceda.

Aniya, upang mapababa ang halaga ng kuryente ay dapat na magkaroon ng substantial investments upang makabuo ng 30 gigawatts na renewable energy capacity sa bansa.

“We need a surplus of renewables, basically, because it undercuts pricing abuse in coal, oil, and gas-powered plants. You can’t artificially reduce the supply of the wind or the sun,” dagdag pa ni Salceda.

Dapat umanong bumuo ng plano ang pamahalaan na palakasin ang renewable energy investments na magreresulta rin sa pamumuhunan pa sa ibang sektor.

“That will unlock billions in new credit for renewable energy. There’s language that specifies investments in climate change adaptation and mitigation, but it’s best to spell out renewable energy,” ani Salceda.

Kailangan din na alamin kung kailangan pa rin na ma-amyendahan ang Foreign Investments Negative List law upang mapayagan ang pagpasok ng renewable energy investments.

“I think we don’t have to, but the DOE (Department of Energy) has requested NEDA to make an explicit amendment just to be sure,” sinabi pa ng mambabatas.

“That is the expressed aspiration of President [Ferdinand] Bongbong Marcos with the Maharlika Investment Fund. He explicitly mentioned investment in dams. That hits two birds with one stone – water supply issues and power constraints,” dagdag ni Salceda.

Maliban dito, isinusulong din niya ang pagpapabilis sa paglalabas ng land use permits sa renewable energy sa pamamagitan ng pagbibigay ng permiso sa
Department of the Interior and Local Government (DILG) na magtakda ng mga panuntunan para rito.

“We are a world leader in producing copper, nickel, and cobalt – key metals for batteries. If we can make batteries here, that will complete the value-chain. So, incentives for processing minerals here, as well as for manufacturing and research on batteries will be all-important,” aniya. RNT/JGC