Plano nina Lacson, Sotto sa 2022 polls iaanunsyo sa Aug. 5

Plano nina Lacson, Sotto sa 2022 polls iaanunsyo sa Aug. 5

July 11, 2021 @ 9:33 AM 1 year ago


Manila, Philippines — Iaanunsyo nina Senator Panfilo Lacson at Senate President Vicente Sotto III ang kanilang plano sa pagtakbo sa darating na Agosto 5.

“Ang plano namin ni Sen. Lacson, officially maga-announce kami sa August 5, tentatively. August 5 ang target,” lahad ni Sotto sa DWIZ.

“Gusto namin mapulsuhan ang mga kababayan natin.”

Kasalukuyang nakatutok si Lacson at Sotto sa pakikipag-usap sa religious leaders maging sa mga representative mula sa private sectors.

“Marami silang tanong, kadalasan open forum kami, yung mga sagot namin at sinasabi naming programa na nasa isip namin sapul sa pangangailangan nila,” lahad pa nito.

“Natutuwa sila. Nakakalakas ng loob. Very encouraging at natutuwa sila sa mga programang naririnig nila sa amin.” RNT/FGDC