Planong gawing Prime Minister si GMA, haharangin sa  Senado

Planong gawing Prime Minister si GMA, haharangin sa  Senado

July 24, 2018 @ 12:55 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Mahigpit na tutulan ng 23 na miyembro ng Mataas na Kapulungan ang plano sa Kongreso na palitan ang sistema ng pamahalaan saka gawing Prime Minister si  Speaker Gloria Macapagal- Arroyo.

Inihayag ito kahapon ni Senador Panfilo Lacson matapos ang mahusay na kudeta nitong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes na nagluklok kay Arroyo kapalit ni dating Speaker Pantaleon Alvarez.

“If only for the timing and manner the coup d’etat in the House of Representatives was carried out, I would say it was awkward, ugly, low and disgraceful,” ayon kay Lacson.

Kahapon, matagumpay na pinatalsik ng mayorya ng Mababang Kapulungan ang liderato ni Alvarez saka ipinalit si Arroyo ilang oras bago magtalumpati si Pangulong Duterte hinggil sa kalagayan ng bansa o SONA.

“Sa pamamaraan ng pananalita, kahit ang tradisyunal na symbolic mace ay nawawala sa Batasan kasi hindi malaman kung sinong awtorirdad ang kumakatawan sa dalawang nagbubungguang personalidad,” ayon kay Lacson.

Paniniwala ni Lacson na kahit sino ang maupo, si Rep. Arroyo o sinuman, na ipinalit kay Alvarez, may matingkad na argumento laban sa parliamentary form of government na patronage politics ang pangunahing gumagawa, kundi man ito lamang sa paghahanap ng matataas na lider ng ating bansa.

“Kung ang pagkakaluklok kay GMA bilang speaker ay paunang hakbang upang maging Prime Minister siya, dapat mag-isip-sip sila dahil kami sa Senado, mayorya at minorya ay nagkasundo na magkaisa upang ipagtanggol at igiit ang aming papel sa 1987 Constitution sa pagpapalit o pag-aamyenda nito,” giit ni Lacson.

“That, I can say with certainty and conviction,” dagdag niya. (Ernie Reyes)