Manila, Philippines – Pinagtawanan lang ng Malakanyang ang plano ng mga komunistang rebelde na patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Oktubre ngayong taon.
Ito ang dahilan kung bakit ayaw nang patulan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga pahayag ni NDF founding chair Joma Sison dahil halatang papansin na lamang ito.
Aniya, dededmahin na niya si Joma Sison dahil sa mga walang kuwentang pahayag nito dahil kung magko-komento aniya siya kay Joma Sison ay para na rin aniya niyang pinatulan ang propaganda nito.
“I will let it remain as propaganda. Considering the fact that in their propaganda the President will only stay until Oct. 18. So, the President nga was joking, eh bakit pa tayo magpapatuloy ng peace talks eh hanggang October 18 lang naman pala ako according to Joma Sison. Eh sabi ko nga for the past 60 years, sab inga niya mabubuwag na niya ang gobyerno,” aniya pa rin Wala aniyang tao na nasa tamang katinuan ang maniniwala sa sinabi ni Joma Sison.
Batid aniya na maraming mga miyembro ng media ang nais na makuha ang kanyang komento ukol sa mga sinasabi ni Joma Sison.
Aniya, walang saysay kung magkokomento pa siya sa mga sinasabi ni Joma Sison dahil itinigil na aniya ang peace talks.
Maaari aniyang gawin ni Joma Sison ang nais niyang gawin at sabihin kung ano ang kanyang nais na sabihin.
At wala aniya siyang pakialam dito lalo pa’t 10,000 miles away ang tinitirhan nito.
Humingi naman ito ng paumahin sa publiko dahil simula ngayon ay polisiya na niya ang huwag patulan si Joma Sison dahil irrelevant aniya ito sa mga mahahalagang usapin sa bansa.
Samantala, napaulat na sinabi ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo na habang nakikipag-usap ang Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NDF-NPA) sa gobyerno para sa mga kondisyon ng peace talks na papabor lang sa kilusan, nagpaplano naman ang mga ito na patalsikin sa puwesto ang Pangulo.
“They hatched this plan while the government negotiating panel was in Norway, talking to Mr. (Jose Maria) Sison, (Luis) Jalandoni, Tiamzon and (others). These Communist terrorists does not only engage us double-talk, they actually want to double-cross us,” ani Arevalo.
Aniya, nadiskubre ng militar ang planong patalsikin sa puwesto si Duterte sa mga dokumentong nasamsam nila mula sa mga nakaengkuwentrong rebelde sa nakalipas na mga araw.
“Hindi ko na muna ia-announce sa ngayon,” sabi ni Arevalo tungkol sa detalye ng umano’y oust plot. “Operational details na ‘yan, but what we can tell you is we have adopted necessary measures to ensure na they will not succeed, they should not succeed,” aniya pa. (Kris Jose)