Planong pagtatayo ng Comelec building, suportado ng DBM

Planong pagtatayo ng Comelec building, suportado ng DBM

August 3, 2022 @ 5:24 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Posibleng magkaroon na ng sariling gusali ang Commission on Elections (Comelec) matapos makakuha ito ng suporta sa Department of Budget ang Management o DBM.

Pinasalamatan naman ni Commission on Elections chairman George Garcia si Budget secretary Amenah Pangandaman matapos siyang tanungin sa kanyang plano na pagtatayo ng sariling Comelec building.

Aniya , malaki ang pag-asa na magkaroon na ng sariling bahay ang Comelec kung saan ang kanilang punong tanggapan ay nasa Palacio del Gobernador.

Para maitayo ang gusali, kakailanganin ng mahigit 8 bilyon piso na pondo sa isang 3 hektaryang lupain sa may Baclaran pero giit ni Garcia, hindi naman kinakailangan na agad na mailabas ang nasabing halaga.

Kahit paunti-unti lang aniya at masimulan muna ang paghuhukay ay ayus na sa kanila.

Paliwanag ni Garcia napakahirap kumilos sa kanilang ahensya dahil magkakahiwalay ang kanilang warehouse, main office at iba pang departmento. Jocelyn Tabangcura-Domenden