Planong pilot test sa 3 lugar para sa BSKE kanselahin – Imee

Planong pilot test sa 3 lugar para sa BSKE kanselahin – Imee

February 21, 2023 @ 10:53 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinanawagan ng isang mambabatas ang pagpapaliban sa planong pilot test sa tatlong lugar para sa parating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sanhi ng kuwestiyonableng campaign rules.

Nakatakdang isagawa ang automated poll sa Barangay Zone II at Paliparan III sa Dasmariñas, Cavite, at Barangay Pasong Tamo sa Quezon City. Magkakaroon naman ng manual election sa buong bansa.

“Puwede ba i-experiment na muna ninyo ‘yung automated? Huwag ninyo muna i-apply sa eleksyon,” ayon kay Senator Imee Marcos, chairperson ng committee on electoral reforms, sa ginanap na pagdinig hinggil sa preparasyon ng BSKE.

Dismayado ang mambabaatas sa pahayag ng Comelec na magkaiba ang premature campaigning sa lugar na may automated election kumpara sa ibang lugar sa buong bansa.

“Under manual polls, a person is considered a candidate the moment the certificate of candidacy is filed, thus making the candidate liable for premature campaigning. But for automated polls, a person is considered a candidate only on the first day of the official campaign period,” ayon sa Comelec.

Nakatakdang magsagawa ng mock elections ang Comelec sa naturang pilot areas bago magkaroon ng aktuwal na bilangan pero tinabla ni Marcos dahil hindi nito natutugunan ang problema.

“We cannot have a different set of rules for the barangays versus the rest of the country. Surely that is not feasible,” aniya.

Nakatakdang talakayin ang bagay na ito sa gananaping en banc, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

“The BSKE is finally scheduled this year after four postponements. The poll body is “almost a hundred percent” prepared as 86.59% of ballots for the barangay elections have already been printed, while 90.62% of ballots for the SK elections are ready. The target is to print everything within February,” ayon kay Garcia.

pero, nagpahayag ng pagkabahala si Marcos sa sunod-sunod na karahasan bago pa magsimula ang halalan partikular ang pagpaslang sa election officer sa Maguindanao Del Sur nitong Pebrero 13 kaya’t inaalam naman ng Comelec kung may kaugnayan ang pagpatay sa halalan.

Ayon kay Garcia, nagtalaga ang Comelec ng tig-dalawang security escorts bawat election officer sa Maguindanao, pero maraming umayaw sa hindi malamang dahilan.

“Hindi ba pwedeng compulsory iyan?” tanong ni Marcos.

“We will look into that possibility,”ayon kay Garcia. Ernie Reyes