Planong renewable energy sa bansa, isinapubliko ni PBBM sa world leaders

Planong renewable energy sa bansa, isinapubliko ni PBBM sa world leaders

November 17, 2022 @ 2:09 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Prayoridad ng PIlipinas na unahin ang renewable energy options  gaya ng hydropower, geothermal power, solar at iba pang  low-emission energy sources.

Sa kanyang opening statement sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) CEO Summit sa Bangkok,  tinuran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang  prayoritisasyon ay magagawa sa pamamagitan ng pagtatakda ng target  para sa tinatawag a “higher share” ng renewable energy sa power generation mix na 35% sa taong  2030 at 50% naman sa taong 2040.

Ayon sa Pangulo, isa sa mga pangunahing hamon na kailangang tugunan ay ang climate change, na aniya’y  pinakamalaking pagsubok ng mundo sa kasalukuyan na may matinding epekto sa ekonomiya ng mundo.

Sinabi pa ng Pangulo na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na nanganganib sa matinding epekto ng climate crisis, hindi kasi malayong mangyari na mawalan ito ng  mahigit sa 6% ng gross domestic product (GDP) annually sa taong 2100, batay sa naging pag-aaral ng  Asian Development Bank (ADB).

“Although global agreements seeking multilateral solutions to the climate crisis, particularly the UN Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) and the Paris Agreement, are in force, “not enough” progress has been made as emissions continue to rise,” ayon sa Pangulo.

“The Conference of the Parties to the UNFCCC (COP 27) is in full swing, but stronger climate action is required. As the energy demands of the modern global economy continue to expand rapidly, diversification into renewables and other sources is imperative,”  aniya pa rin.

Sa naging mensahe pa rin ni Marcos, sinabi nito na  kailangang paigtingin ng APEC member economies ang pagtugon sa structural at policy issues para kontrahin ang epekto ng pandemya, gyera at climate change.

Anang Pangulo, ang food insecurity ay seryosong suliranin ng mundo na nararamdaman na ngayon ng bawat pamilya.

“Climate change, high inflation, and geopolitical crises are interconnected as part of a delicate global food ecosystem, which affects nations globally,” wika niya.

“Food security should be a top priority for all governments, developing economies must especially have policy flexibility to ensure increased domestic food production and diversification and improve the local agricultural supply chain,” ang naging pahayag ni Pangulong Marcos sa naturang summit. Kris Jose