Plastic barriers ‘di kailangan sa F2F classes – DepEd

Plastic barriers ‘di kailangan sa F2F classes – DepEd

December 8, 2021 @ 3:41 PM 10 months ago


Manila, Philioppines – Nilinaw na hindi na kakailanganin ng plastic barrier sa face-to-face classes, ayon sa Department of Education (DepEd).

Iginiit ni Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan na wala sa guidelines na ng DepEd at Department of Health (DOH) ang paglalagay ng plastic barrier.

“Ito pong tungkol sa plastic barriers, sa totoo ay wala po iyan sa ating joint guidelines.”

Punto pa ni Malaluan, hindi na rin kailangan pa ng plastic barriers dahil nakitang nagiging hadlang ito sa daloy ng hangin.

Samantala, posible umanong naimungkahi ng mga magulang ang plastic barrier sa mga pagpupulong.

“Sa pagpupulong nila, minsan ay lumalampas [ang suggestion] sa ating protocols at nasama diyan itong paglalagay ng plastic barriers.” RNT/FGDC