Plastic recycling, research and development center itatayo sa Paranaque – Villar

Plastic recycling, research and development center itatayo sa Paranaque – Villar

March 14, 2019 @ 2:07 PM 3 years ago


Paranaque – Pinasalamatan ni Senador Cynthia Villar ang isang non-governmental organization at Paranaque government sa adhikain nitong magtayo ng plastic recycling facility at research and development center sa lungsod upang tugunan ang lumalalang problema sa solid waste.

Sa pahayag, sinabi ni Villar, chairperson ng Senate committee on environment and natural resources, na malaki ang maitutulong ng recycling facility na itatayo ng Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability (PARMS) sa naturang lungsod.

Nakapaloob ang proyekto sa nilagdaang memorandum of agreement (MOA) nina Philippine Alliance for Recycling and Materials Sustainability (PARMS) President Commissioner Crispian Lao at Paranaque Mayor Edwin Olivarez sa pagtatayo ng naturang pasilidad sa Barangay La Huerta.

(c) Cesar Morales

Isang multi-stakeholders at multi-sectoral coalition ang PARMS na kinabibilangan ng malalaking kompanya tulad ng Coca-Cola FEMSA Philippines, Kopiko, Monde Nissin, Mondelez International, Nestle, Oishi, Pepsi Cola Products Philippines, Procter and Gamble, Unilever, at Universal Robina.

 “You are all in the right track in integrating sustainability in your business strategies. I think that makes good business sense and our future generations will thank you for that,” ayon kay Villar.

Sinabi ni Villar na sa harap ng katotohanan na ang Pilipinas ang ikatlo sa pinakamalaking producer ng plastic waste sa karagatan kasunod sa China at Indonesia, kailangan ng mga matitinding hakbang upang bawasan ang plastic waste.

Gustong isulong ni Villar ang pagpapatupad ng konespto ng extended producer responsibility (EPR) na ginagawa ngayon sa ilang bansa sa Europa upang mabawasan ang plastic waste.

“EPR is an environmental protection strategy requiring the manufacturers using plastic materials in their packaging to be responsible in recovering the plastic wastes. It may take the form of reuse, buy-back or recycling program. The practice shifts the responsibility for waste management from government to the manufacturers,” ayon kay Villar.

Kaugnay nito, nakatakdang isulong ni Villar ang pag-aamyendad sa 19 taong gulang na Solid Waste Management Act upang maging responsive ito sa nagbabagong panahon.

Kinopya ng PARMS ang pagtatayo ng recycling facility sa naitayong katulad na pasilidad ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG) upang mag-recycler ng residual plastic at gawing school chairs.

Gumagawa bng armchairs ang plastic factory na itinayo ni Villar sa Las Pinas na gawa sa soft plastic. Parang kahoy ang itsura nito na napapalitan ang ilang bahagi at tatagal nang 20 taon. Ipinamamahagi ang school chairs sa mga public schools sa buong bansa.   

Nakapagtayo na rin ng Villar SIPAG Plastic factories sa  Iloilo at Cagayan de Oro. Magbibigay din ng katualad ng recycling factory ang pamilya ni Villar sa Marawi City upang makatulong sa rehabilitasyon ng lungsod.

“Natutuwa tayo dahil marami ang magpa-participate sa recycling. Of course, we cannot do this alone. Everybody should participate. Sa bawat bayan na tutulong, malaking bagay,” ayon kay Villar.  Ernie Reyes