Wellington, New Zealand – Sisimulan na ng New Zealand ang pag-ban sa mga disposable plastic shopping bags sa susunod na taon upang tuluyang panindigan ang imahe nitong clean-and-green.
Plano itong simulan sa July ayon sa anunsyo ni Prime Minister Jacinda Ardern ngayong Biyernes.
Ayon sa datos, ang mga taga-New Zealand ay gumagamit ng milyon-milyong plastic bag kada-taon at ang iba pa sa mga ito ay nagdudulot ng polusyon sa baybayin at sa karagatan.
Ang dalawa sa pinakamalaking supermarket chain sa New Zealand ay nauna nang nag-anunsyo sa kanilang sariling plano para itigil ang paggamit ng plastic bag sa katapusan ng taon.
Nauna rito, nag-anunsiyo na rin ng ban ang iba’t ibang bansa sa paggamit ng mga single-use plastic bag, kabilang na rito ang France, Belgium, China, Hawaii at California. Remate News Team