PLATFORMS PA SA MGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO TARGET NI ELEAZAR

PLATFORMS PA SA MGA BIKTIMA NG PANG-AABUSO TARGET NI ELEAZAR

January 17, 2022 @ 10:37 AM 7 months ago


ISA sa mga pinupuntirya ni Senatorial Aspirant at dating Philippine National Police chief Guillermo Lorenzo Eleazar na bumuo ng mas maraming platform para sa mga biktima ng pang-aabuso at gender-based violence kung saan maaaring idulog ang kanilang mga hinaing.

Ito ay kasunod ng apela ng Department of the Interior and Local Government na palawakin ang 911 National Emergency Hotline sa violence against women and children gayundin sa gender-based violence.

“Magandang simula ito at talagang ilalaban natin sa Senado na magkaroon pa ng mas marami at komprehensibong pamamaraan ang mga biktima ng pang-aabuso para makapagsampa sila ng pormal na reklamo o kaso laban sa mga gumawa ng mali sa kanila,” ani Eleazar.

Base sa naging karanasan, marami umanong biktima ng pang-aabuso ang kadalasang mas pinipiling hindi mag-sampa ng kaso laban sa mga umaabuso sa kanila dahil sa kawalan ng kakayahang gawin ito.

Pero kung tatanungin si Eleazar ay mas gusto niya itong mabago sa pamamagitan ng pagsiguro sa mga biktima na may maaasahan sila sa gobyerno.

Noong nagsilbi siya ng PNP Chief si Eleazar ay nabago niya ang crime reporting system sa PNP sa ilalim ng E-Sumbong na nagbigay-daan sa publiko na i-report ang mga krimen at humingi ng police assistance gamit ang social media.

“I also want to improve mandate of barangay offices so that victims could easily report cases of violence and harassment, and they will be given the intervention that they need,” giit ng senatorial aspirant.

“Kung sa komunidad pa lamang ay naire-report na ito kaagad, naniniwala akong mas mapabibilis din ang mga kaso at mabibigyan din sila ng agarang tulong,” dagdag pa ni Eleazar.

Anomang puna o reklamo i-text sa 0918924764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]