Player, mas piniling maglaro sa sikat na team

Player, mas piniling maglaro sa sikat na team

January 11, 2022 @ 11:45 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Nasa unrestricted free agent ang basketbolista sa kanyang team. Maganda naman ang naging playing time niya sa kanyang coach

Pero pagkatapos ng kanyang kontrata sa team ay inoperan naman siya ng team management ng dalawang taong kontrata.

Subalit tinanggihan ng dating Arellano  University  player  ang offer ng kanyang head coach at team manager ng koponan.

Dahil nga nasa unrestricted free agent na  ang point guard player, mas pinili ng 5’11 ang maglaro sa crowd favorite.

Napa-swerte ang player sa pag alis sq dating team nito, dahil matagal na niyang pangarap na mapabilang  sa kampo ng sikat na team.

Totoo kaya na tatlong taong kontrata ang ibinigay sa player .Dahil ito ang magiging kapalit ng Fil-Am player na walong buwan mawawala sa team .. HULA WHOOPS? Dwayne Rituel.