Players ng Gilas, kumpleto na

Players ng Gilas, kumpleto na

July 12, 2022 @ 12:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – May go-signal na sa  FIBA si Rhenz Abando upang maglaro sa  unang pagkakataon sa Fiba Asia Cup sa Gilas Pilipinas na magsisimula ngayon araw sa Jakarta, Indonesia.

 “Yes, (he was) approved,” ani Gilas team manager and Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) deputy secretary general Butch Antonio.

Ginawa ang pag-apruba kay Abando bilang kapalit ng na-injured na si Dwight Ramos sa technical committee meeting noong Lunes at isang magandang balita na sumalubong sa pagdating nina coach Chot Reyes at big man Poy Erram sa kabisera ng Indonesia.

Kukumpleto sa 12-man lineup ng Gilas si reigning NCAA Rookie-MVP na maglalaro sa Hulyo 12 hanggang 24 na torneo.

Bukod kay Abando, lalaro din sa koponan sina Thirdy at Kiefer Ravena, RayRay Parks, Carl Tamayo, Will Navarro, LeBron Lopez, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Geo Chiu, at Kevin Quiambao.

Ayon kay Reyes, kahit pa malusog si Ramos, dadalhin talaga nila sa Abando kasama ng koponan sa Indonesia.

Unang maglalaro sa Miyerkules  ang  Gilas kontra  Lebanon sa Istora Gelora Bung Karno, kasunod ang India sa Biyernes, at New Zealand sa Linggo, na umaasang makatapos sa top 2 ng Group D upang umabante sa quarterfinals.JC