PLDT, pinakamabilis na internet service sa Pilipinas

PLDT, pinakamabilis na internet service sa Pilipinas

July 22, 2018 @ 3:08 PM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Binigyan ng pagkilala ang kompanya ng Philippine Long Distance Telecommunications (PLDT) kasama ng sangay nito na Smart Communications ng Ookla Speedtest para sa pagiging pinakamabilis na fixed and wireless internet service sa Pilipinas.

Sakop sa Speedtest awards ang service performance para sa kalahating taon ng 2018 para sa fixed at mobile networks. Nanalo ang PLDT para sa fixed network category sa Pilipinas at nakakuha ng speed score na 17.31. Kinalkula ang score sa pamamagitan ng speed value ng pag-download at upload. Ang pinakamabilis na download speed para sa PLDT ay nagtala ng 53.07 megabits per second, habang ang upload speed naman ay nasa 54.31 megabits per second.

Sa kabilang dako, ang sanagay naman ng PLDT na Smart ay nakatanggap ng award para sa mobile network category na may speed score na 14.98. Ang Average download speed ng Smart ay nasa 17.25 megabits per second habang ang upload speed ay nasa 7.65 megabits per second.

Kung ikukumpara sa ibang award winners mula sa ibang bansa sa Southeast Asian region, humahabol ang AIS service ng Thailand sa Smart na may score na 14.65.

Samantala, ang Grameenphone ng Bangladesh ang nakatanggap ng pinakamababang score na 9.25.

Pinagharian naman ng Qatar ang listahan ng Speedtest Global Index sa pinakamabilis na mobile network kung saan ang download speed ay nasa 63.22 megabits per second.

Hindi naman naagaw ang korona ng Singapore para sa top spot ng fixed broadband na may top download speed na 180.57 megabits per second. (Remate News Team)