PLDT sa Dito: P429-M contracted services bayaran na

PLDT sa Dito: P429-M contracted services bayaran na

October 7, 2022 @ 12:31 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinisingil na ng PLDT Inc nitong Biyernes ang DITO Telecommunity para sa ilang kinontratang serbisyong naihatid na tinanggihan ng ikatlong telco na bayaran.

Ito ay matapos ipadala ng PLDT sa DITO ang Notice of Material Breach and Demand for Payment kung saan mahigit P429 milyon ang demand na kabayaran.

“PLDT served today a Notice of Material Breach and Demand for Payment on DITO as a result of its refusal to pay the amount of Php 429,726,315.79 for contracted services,” anang PLDT sa stock exchange.

Sinabi ng PLDT Inc na ito ay “fully performed and delivered relating to the building and provisioning of transmission facilities that DITO required and is using for the delivery of telecommunication services to subscribers.”

Matatandaang  nagsampa ng reklamo ang DITO sa Philippine Competition Commission laban sa Globe Telecom at PLDT Inc na binanggit ang “abuse of dominant position” dahil sinasabi nitong nahihirapan ang mga subscriber na tumawag sa mga numero mula sa kalabang telcos.

Samantala, hinimok ng Globe ang National Telecommunications Commission na utusan ang DITO na magbayad ng mga multa na nauugnay sa mga isyu sa interconnection. Sinita rin ng Smart ang DITO dahil sa umano’y kabiguan nitong pigilan ang mga mapanlinlang na tawag.

Itinanggi ng DITO ang mga pahayag at sinabi na ang mga mapanlinlang na tawag ay ginawa ng mga ikatlong partido at sila ay “parehas na biktima ng mga naturang tawag.”

Kamakailan ay ipinasa ng DITO ang ikatlong taon nitong mandatory technical audit, isang regulator requirement na hindi ipinataw sa unang 2 mas malaking telcos. RNT