‘Plea to travel’ ni Maria Ressa  sa Oslo pinayagan ng CTA  

‘Plea to travel’ ni Maria Ressa  sa Oslo pinayagan ng CTA  

December 7, 2021 @ 5:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Pinayagan na rin ng Court of Tax Appeals (CTA) ang hiling ni Rappler CEO Maria Ressa sa Oslo, Norway mula Disyembre 8 hanggang 13 upang tumanggap ng prestihiyosong Nobel Peace Prize.

Ito ay makaraang unang payagan ng Court of Appeals (CA)  ang hiling ni Ressa.

Samantala, nagpaalala ang CTA kay Ressa na sumunod sa travel guidelines aat restrictions na inisyu ng Philippine government sa international arrivals.

“If accused fails to return as undertaken, trial will proceed as scheduled in her absence,” dagdag pa ng CTA sa resolusyon. RNT/FGDC