Plebisito ng Maguindanao kasado na

Plebisito ng Maguindanao kasado na

September 15, 2022 @ 4:33 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Commission on Elections na kasado na ang kahandaan sa isasagawang plebisito sa Setyembre 17, 2022 sa Maguindanao.

Ang plebisito ay magpapatibay ng batas na maghahati sa Maguindanao sa dalawang probinsya, ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.

“We are ready, poll officials and deputies are all ready for Saturday,” pahayag ni Atty. Udtog Tago, election supervisor ng Maguindanao.

Sa kabila ng kahandaan ng Comelec, hindi pa rin umano nawawala ang panawagan ng isang non-government organization na ipagpaliban muna ang plebisito ng kahit dalawang buwan pa.

“That is for Congress to decide. As far as we are concerned, we are all set for the referendum,” tugon naman ni Tago. RNT/JGC