Plebisito sa Baliwag kasado sa Enero 14, 2023

Plebisito sa Baliwag kasado sa Enero 14, 2023

September 15, 2022 @ 8:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinakda sa Enero 14, 2023 ang plebisito para pagtibayin ang conversion ng munisipalidad ng Baliwag bilang component city ng lalawigan ng Bulacan.

Sinabi ng Commission on Elections (Comelec), sa Resolution No. 10834 noong Miyerkules, na magbibigay-daan ito sa mga residente ng bayan na bumoto kung aaprubahan o tatanggihan ang panukala.

“Now, therefore, the Commission on Elections hereby sets the date of the plebiscite to ratify the conversion of the Municipality of Baliwag in the Province of Bulacan into a component city to be known as the City of Baliwag on January 14, 2023,” sabi ng poll body .

Saad pa sa resolution na ang panahon ng plebisito ay mula Dis.14 ,2022 hanggang Enero 21,2023.

Sa panahong ito, ipinagbabawal ang mga pagkilos tulad ng pagdadala ng mga baril, pagpapanatili ng puwersa ng welga, pagsususpinde sa mga lokal na elective na opisyal, at paglipat o pagtalaga ng mga empleyado sa civil service.

Sa kabilang banda, ang impormasyon at panahon ng kampanya ay itinakda mula Dis.14, 2022 hanggang Ene. 12, 2023.

Ang mga aktibidad na pinapayagan sa panahong ito ay ang pagdaraos ng mga barangay assemblies, fora o “pulong-pulong” habang ipinagbabawal ang pagsira, pakikialam, o pagpigil sa pamamahagi ng legal na plebiscite propaganda.

Magsisimula ang botohan sa alas-7 ng umaga at magtatapos ng alas-3 ng hapon.

Magsisimula naman agad ang pagbibilang ng mga boto pagkatapos ng pagsasara ng botohan, na susundan ng canvassing ng mga boto, at pagpapahayag ng mga resulta.

Ang pagdaraos ng plebisito ay alinsunod sa Republic Act 11929 na naging batas noong Hulyo 30.

“The Comelec shall conduct and supervise such plebiscite. The expenses for such plebiscite shall be borne by the Municipality of Baliwag,” ayon pa sa batas .

Kung pagtibayin ang batas, ang Baliwag ay magiging ikaapat na bahagi ng lungsod ng Bulacan bukod sa San Jose del Monte, Meycauayan, at kabisera ng probinsiya na Malolos. Jocelyn Tabangcura-Domenden