Plebisito sa Marawi, kasado na!

Plebisito sa Marawi, kasado na!

March 16, 2023 @ 4:54 PM 7 days ago


MANILA, Philippines – Kasado na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagdaraos ng dalawang plebisito sa Marawi City, Lanao del Sur sa Sabado, Marso 18.

Gananapin ang plebisito sa barangay Bonganga at Sagonsongan.

Base sa datos ng Comelec, nasa kabuuang 1,472 ang registered voters mula sa dalawang barangay—992 botante sa Barangay Bongga habang 480 botante sa Barangay Sagonsongan.

Hnikayat naman ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang mga botante na makilahok sa plebisito sa Sabado.

Magsisimula ang botohan alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon gamit ang manual system ng pagboto.

Ang mga botante sa barangay Bongga ay tatanungin kung sila ay pabor o hindi na gawing hiwalay na barangay ang Barangay Bonganga II sa pamamagitan ng pagsagot ng yes/oo o no/hindi.

Agad naman isasagawa ang pagbibilang ng boto ng Plebiscite Committees (PlebCom) pagkatapos ng voting hours.

Inaprubahan ng City Ordinance No. 07-010 ang unang plebisito sa pagtatag ng Barangay Bonganga II mula sa mother barangay ng Bonganga.

Samantala, ang pangalawang plebisito ay magtatatag ng barangay Datu Dalidigan sa labas ng Mother barangay na Sagonsongan alinsunod sa City Ordinance No.05-010 Series of 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden