PLUNDER CASE LABAN SA MGA NAGPATUPAD NG NCAP

PLUNDER CASE LABAN SA MGA NAGPATUPAD NG NCAP

October 14, 2022 @ 1:37 AM 1 month ago


ITO ang hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman nang sampahan niya ng plunder case sina Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso.

Ayon sa demanda ni Lopez, “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 noong vice mayor pa lang ang kasalukuyang alkalde.”

“It must be emphasized that in the City Ordinance 8676, series of 2020, there is no mention or even a hint on how the penalties will be divided by the city government of Manila and the collecting private entity. Further, there is also no mention as to a special fund to put the collected penalties paid from the alleged traffic violations,” nakalagay pa sa demanda.

Ayon din kay Lopez, what is even worse is that a percentage of the penalty will go directly to the private entity, the QPAX Traffic Systems through a percentage agreement.

At dahil dito ay PRESUMED na may personal gain sa deal ang mayor dahil sa Sec 3 (i) 2nd paragraph ng RA 3019- “Interest for PERSONAL GAIN SHALL BE PRESUMED against those public officers responsible for the approval of manifestly unlawful, inequitable, or irregular transactions or acts by the Board, panel, or group to which they belong”.

Humingi na ng ‘extension of time’ para sagutin ang demanda ayon sa isang motion na inihain ng abogado ni Mayor Lacuna.

Depende na sa Ombudsman kung makakakita ng ‘probable cause’ sa demanda ni Lopez para isampa ang plunder sa Sandiganbayan. No bail ang rekomendasyon para sa pansamantalang paglaya sa kasong plunder.

Ang NCAP ng Maynila ay naipasa sa panahon nang kasagsagan ng pandemya. Ang sales talk dito ng mga nagsulong ay para walang contact ang enforcer at driver at iwas kotong daw.

Pero ngayon, marami ang nagtatanong at may duda. Asan ang mga multang nakolekta? Magkano ang nakolekta? Hindi pamumulitika ang pakay ni Lopez dito kundi nais niya magkaroon ng accountability ang NCAP sa Maynila.

Asan nga ba ang pera? Kung magkaroon ng order ng refund na panawagan ng ilang kongresista at ni Lopez, “MAIBABALIK PA BA ANG DAAN-DAANG MILYON NA NAKOLEKTA GALING SA MULTA? “

Sana ay mabilis maresolba ng Ombudsman ang kaso at mapanagot ang mga mandarambong.
oOo oOo oOo
Atty. Ariel Inton
President, Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09178174748