PM Ibrahim bibisita sa Pinas sa Miyerkules

PM Ibrahim bibisita sa Pinas sa Miyerkules

February 28, 2023 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sasalubungin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., bukas, araw ng Miyerkules si  Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.

Magkakasa ang dalawang lider ng bilateral meeting para pag-usapan ang larangan ng mutual concern gaya ng political, security, at economic cooperation, at maging ang  people-to-people ties.

Inaasahan din na magpapalitan ng pananaw ang dalawang lider ukol sa regional at international issues.

Matapos ito ay magdaraos ang Pangulo ng isang dinner banquet bilang pagkilala sa Prime Minister.

Si Prime Minister Anwar Ibrahim, ika-10 na Prime Minister ng Malaysia, ang kauna-unahang Head of Government  na bibisita sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos. Kris Jose