PMA valedictorian sa kabataan: Dream high, fight for it

PMA valedictorian sa kabataan: Dream high, fight for it

May 16, 2022 @ 7:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinanghal si Krystlenn Ivany Quemado bilang valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Class “Bagsik-Diwa” (Bagong Sibol Kinabukasan Didigma Hanggang sa Wakas).

Sinabi niya na kahi siya ay isang anak ng isang military officer ay hindi naging madali sa kanya ang pagpasok sa PMA

Bilang anak ni Col. Nicolas Quemado Jr. ng PMA Maalab Class of 1993, kailangan niyang patunayan ang sarili.

“Many people think that I grew up in a sheltered, privileged life. People do not see the other side of the coin, where I carry the burden of proving myself. That I can create my own identity through my own effort and determination,” aniya sa kanyang valedictory address nitong Linggo.

Inalala niya ang pagiging mulat niya sa realidad ng buhay sa murang edad sa tuwing bumibisita siya sa mga kampo sa Mindanao kung saan nakatalaga ang kanyang ama.

“It was there that I saw the adversities of life. The modest life of the nearby communities and the plight of the lowly soldiers who give up the comforts of life,” sabi ng 22-anyos na taga-Koronadal City, South Cotabato.

Ginamit niya ang mga realisasyong iyon para matupad ang kanyang mga pangarap na balang araw, “I, too, could bring honor to my father as the first child of a cavalier to graduate number one, not standing behind his shadow but following his life to a path of noble service”.

Nanawagan siya sa kanyang mga “mistah” (mga kaklase) na huwag magsawa sa pagtatrabaho, kahit sa maliliit na paraan, para sa ikabubuti ng bansa.

Pinaalalahanan din ni Quemado ang mga kabataan na sila ay “may mas malaking tungkuling dapat gampanan”.

“May you find the core foundation of your purpose in life. If you have a calling, hold on to it, dream high, fight for it, and be determined and strong to overcome the challenges. Your dreams and aspiration for our country are as important as ours,” aniya pa.

Siya ang ikapitong babaeng kadete na nangunguna sa PMA mula nang magsimula itong tumanggap ng mga babae noong 1993. Sasali siya sa Philippine Navy.

Siya ay tumatanggap ng Presidential Saber, Philippine Navy Saber, Jusmag Saber, Australian Defense Best Overall Performance Award, Spanish Armed Forces Award, Agfo Award, Academic Group Award, Humanities Plaque, Management Plaque, Social Sciences Plaque, at Navy Professional Courses Plaque.

sI Pangulong Rodrigo Duterte ang nagpasinaya sa seremonya ng 214 graduating cadets — 165 lalaki at 49 na babae. RNT