PMMA cadet natagpuang patay sa loob ng banyo ng barracks

PMMA cadet natagpuang patay sa loob ng banyo ng barracks

July 7, 2021 @ 2:30 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Natagpuang patay ang isang kadete ng Philippine Merchant Academy sa loob ng isang bayon sa isang barracks ng PMMA sa San Narciso, Zambales.

Sinabing bandang 6:30 ng umaga natagpuang patay ang kadete na kinilalang si Jonas Bondoc.

Sa ngayon ay hindi pa inihahayag ang detalye sa pagkamatay nito.

Samantala, sinabi ng PMMA na nagbitiw na sa pwesto ang ang commandant of cadets, battalion officer, at company officer.

Patuloy naman ang imbestigasyon ukol dito. RNT/FGDC