PMP ni Erap suportado ang presidential, VP bets ng HNP — Jinggoy

PMP ni Erap suportado ang presidential, VP bets ng HNP — Jinggoy

July 7, 2021 @ 11:21 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Susuportahan ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) party na itinatag ni former President Joseph “Erap” Estrada ang presidential at vice-presidential candidates ng Hugpong ng Pagbabago sa  Eleksyon 2022.

 

Ito ang inilahad ni Senator Jinggoy Estrada sa panayam sa ANC.

Dagdag pa nito, ni-renew na ng PMP ang kanilang alyansa sa HNP, isang regional political party na pinangungunahan ni Davao City Mayor Sara Duterte.

“We agreed to renew our alliance with HNP this coming elections,” lahad ni Jinggoy.

“In fact, our party, the PMP, has no candidate for president and vice president and according to the agreement, it is the HNP that will choose for our president and vice president.”

Ayon pa kay Jinggoy, dedepende sila sa desisyon ng HNP officers.

“It depends on the officers of HNP kung sino talaga ang kukunin nilang standard bearer. That is what stipulated in our agreement.”

“Ako, I am confident that HNP will name or will put up a standard bearer for presidency and vice presidency,” lahad pa nito.

Naniniwala aniya siya na tatakbo si Sara sa 2022.

“Based on what I see, I am confident.”

“If ever she will run, we will be supporting her 100 percent,” ani Jinggoy.

Samantala, inilahad din nito na nagkatoon sila ng lunch meeting kay Davao City mayor noong nakaraang lingo sa Bonifacio Global City.

Kasama rito sina Senator Ramon Revilla Jr., Bacoor Mayor Lani Mercado, at ilang anak ni Revilla. RNT/FGDC