PNoy sumakabilang buhay na

PNoy sumakabilang buhay na

June 24, 2021 @ 9:20 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

DEVELOPING – Isang malungkot na araw ang sumalubong sa Araw ng Maynila, ang kapital ng Pilipinas kung saan ayon sa mga ulat na nasawi na umano si dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.

Ayon sa ulat ng Tribune na isinugod ngayong umaga sa Capitol Medical Center ang dating Pangulo at sinusubukan umanong i-revive.

“P-Noy was rushed to hospital early this morning and efforts to revive him failed. Please pray for him. Salamat,” ayon umano kay dating senator Mar Roxas sa ulat pa rin ng Tribune.

Ayon naman sa Manila Times, na kinumpirma rin ng isang senador na ayaw magpatukoy ang nasabing ulat.

Ayon naman sa ulat ng ABS-CBN na kinumpirma umano sa kanila ng kapamilya ng mga Aquino na ayaw pa ring magpabanggit ng pangalan ang pagkasawi ng dating Pangulo.

Anomang oras ay maglalabas ng pormal na anunsyo si dating Undersecretary Abigail Valte.

Ayon pa sa ilang ulat na isang miyembro ng pamilya Aquino ang nagkumpirma nito at ilang malalapit na kaibigan at dating opisyal ng gabinete ni dating Pangulo Aquino, tulad nina dating Supreme Court Justice Adolf Azcuna na minsang nagsilbi bilang legal counsel sa Aquino administration at Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen na nagsilbing peace negotiator ng dating Pangulo,

 

Si Aquino, 61 ay matagal nang nanaimik at wala sa “public eye” simula nang magtaposa ng kanyang termino bilang Pangulo ng bansa.

 

Si Aquino ay kilala bilang smoker, hospitalized, araw ng Huwebes.

 

Nang mamatay ang ina ni Noynoy na si dating Pangulong Corazon Aquino, umabot sa rurok ang tawag kay Noynoy para tumakbo sa pagka-pangulo. Pagkatapos ng kanyang retreat ay nagpasya na nga si Noynoy na tumakbong pangulo sa halalan ng 2010.

 

Isang grupo ng mga abogado at mga aktibista bumuo ng NAPM – ang Noynoy for President Movement –  at isang nationwide movement ang kanilang ginawa na nangongolekta ng isang milyong lagda upang akitin si Noynoy Aquino na tumakbo bilang presidente. Noong huling linggo ng Agosto, si senador Aquino, ang kanyang kapwa partymate sa Liberal Party na si senador Mar Roxas at isang hindi nasabing pangulong aspirante ay nagsimulang mag-usap upang magdesisyon sa kung anong gagawin para sa halalan ng 2010.

 

Septyembre 1, 2009, sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, si Senador Roxas, isa sa nangungunang kandidato para sa nominasyon ng Liberal Party ay inihayag ang kanyang withdrawal sa pagkapangulo at ipinahayag ang kanyang suporta para sa kandidatura ni Aquino.

 

Noong Setyembre 9, 2009, 40 na araw matapos ang pagkamatay ng kanyang ina, opisyal na inihayag ni Noynoy ang kanyang plano para sa pagkapangulo sa isang press conference sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kung saan ay nagsilbi din ang lugar na presidential inagaural site ng kanyang ina noong 1986.

 

Ang pagkapangulo ni Benigno S. Aquino III ay nagsimula sa tanghali noong Hunyo 30, 2010, Siya ay ang ikalabinlimang Pangulo ng Pilipinas, pagkatapos ni Gloria Macapagal-Arroyo. Simula ng kanyang pagkapangulo, kilala rin siya sa tawag na “PNoy” na pinaikling bersyon ng “Presidente Noy”

 

Si Benigno Aquino III ay ang:

 

  • Ikatlong pinakabatang inihalal na pangulo at ang ika-apat na bunsong presidente matapos nina Emilio Aguinaldo, Ramon Magsaysay at Ferdinand Marcos.

 

  • Unang binatang pangulo, walang opisyal na asawa at anak.

 

  • Ikalawang presidente sa kasaysayan na hindi uminom ng alkohol. Ang unang pangulo na hindi uminom ng alak ay si Emilio Aguinaldo

 

  • Kauna-unahang alumnus ng Ateneo de Manila University na naging presidente.

 

  • Ikalawang pangulo na naging isang anak ng isang dating presidente (Corazon Aquino).

 

  • Unang pangulo na naging dating mag-aaral ng isang dating presidente (Gloria Macapagal-Arroyo).


  •  
  •  
  •