PNP: 279 parak, sinibak sa pwesto sa ilalim ng Marcos admin

PNP: 279 parak, sinibak sa pwesto sa ilalim ng Marcos admin

December 19, 2022 @ 1:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- May kabuuang 279 pulis na ang tinanggal sa serbirsyo mula nang manungkulan si Pangulong “Bongbong” Ferdinand Marcos, Jr., ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Sinabi ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na kabilang sa mga pulis na nasibak mula sa pwesto ay nahatulang guilty sa paglabag sa batas at iba pang alituntunin ng kapulisan.

Batay sa datos ng PNP, sinabi ni Azurin na ang 279 sinibak na pulis ay kabilang sa 1,211 PNP na kinastigo mula July 1 hanggang Dec. 7 ngayong taon.

Kabilang din sa mga pinatawan ng parusa ang 79 pulis na na-demote, 472 ang sinuspinde, at 381 naman ang hindi pinasweldo, at hindi nabigyan ng mga pribilehiyo.

“The PNP will never tolerate any irregularity and breach of discipline in the police service. We will always be steadfast in our thrust to discipline our personnel while we value each and everyone’s welfare while serving the Filipino people,” ani Azurin.

Nauna nang tiniyak ni Azurin na ipagpapatuloy ang internal cleansing sa PNP, sa pamamagitan ng Internal Affairs Service at ng Integrity Monitoring and Enforcement Group. RNT/SA