PNP: 88 pang pulis positibo sa COVID-19

PNP: 88 pang pulis positibo sa COVID-19

July 14, 2021 @ 8:00 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ng 88 pulis ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa kanilang hanay.

Sa ngayon ay nasa 29,027 ang kabuuang COVID-19 cases sa hanay ng  Philippine National Police (PNP).

Nasa 77 naman ang gumaling dahilan para umakyat din sa 27,456 ang total recoveries sa kanilang hanay.

Nananatili sa 77 ang nasawi.

Sa ngayon, nasa 1,486 ang aktibong COVID-19 cases sa police organization. RNT