PNP aapela sa desisyon ng DOJ kay Teves

PNP aapela sa desisyon ng DOJ kay Teves

March 19, 2023 @ 8:13 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Pag-aaralan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang posibilidad na umapela sa desisyon ng Department of Justice na ibasura ang reklamo ng illegal possession of ammunition, firearms and explosives laban kay Rep. Arnolfo Teves, Jr.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, hindi pa natatanggap ng CIDG ang opisyal na kopya ng desisyon ng DOJ, at iginagalang naman umano nila ito.

“The CIDG has yet to receive a copy of the resolution. If this is true, we respect the findings and disposition of the DOJ on this complaint. This only shows that the government is here to prosecute and not to persecute,” sinabi ni Fajardo sa isang media briefing.

“Kailangan muna nila makakuha ng official copy ng resolution na inilabas ng DOJ and titingnan at pag-aaralan kung kinakailangan or if there’s a need to file a motion for reconsideration o hahayaan na lang yun kung makapag-submit tayo,” dagdag niya.

Ani Fajardo, ang na-dismiss na kaso ay isa lamang sa walong reklamo na inihain nila laban kay Teves, at iginiit na ang CIDG ay may “strong cases” laban sa mambabatas.

“Kumpiyansa ang CIDG na malakas ang kanilang isninampa na kaso at hawak na ebidensya laban kay Cong. Teves at iba pang [akusado],” giit nito.

“May basehan ang mga sinampang kaso ng CIDG. Yung isang na-dismiss, while we consider it as a minor setback, yung ibang mga kaso ay hindi maapektuhan ito.”

Kamakailan ay sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na ang unang batch ng mga armas na nasabat sa isa sa isinagawang raid sa bahay na pagmamay-ari ni Teves sa Negros oriental ay nakalisensya sa isang “Roland Pablio”, dahilan para ibasura ang reklamo.

Bagama’t haharapin ni Pablio ang reklamo, sinabi ni Clavano na “he is still considered one of the suspects, in the masterminds of the slay of Gov. Degamo.” RNT/JGC