PNP aasiste sa mock polls ng Comelec

PNP aasiste sa mock polls ng Comelec

December 13, 2021 @ 11:12 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Aagapay ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Elections (Comelec) sa pagsasagawa ng mock polls sa Disyembre 29.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos, makatutulong ang aktibidad na matukoy at ma-evaluate ang strategic plan para sa deployment ng kapulisan.

“We will be waiting for the official advisory from (the) Comelec regarding the planned mock elections. But definitely, the PNP is willing to extend assistance for this activity,” aniya.

Sa ilalim ng Omnibus Election Code, hindi papayagan ang PNP personnel na makapasok sa iba’t ibang voting precincts ngunit nakaatas pa rin sa kanila na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa binsidad.

Aatasan din ang PNP na i-secure ang transportasyon at paglipat ng mga balota maging ang iba pang kagamitan. RNT/FGDC