PNP-ACG sa publiko: Mag-ingat sa ‘fraud’ text message

PNP-ACG sa publiko: Mag-ingat sa ‘fraud’ text message

July 22, 2022 @ 1:42 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinaalalahanan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) nitong Huwebes ang publiko na mag-ingat sa text messages na nagpapanggap na mula sa mga banko at sinasabing na-block ang kanilang account.

Nagmula umano ang pinakabagong scam message sa BDO Unibank Inc. (BDO), kung saan inabisuhan ang account holders na iberipika ang kanilang bank accounts sa ibinigay na link para hindi ma-deactivate ang kanilang account.

Nag-abiso na ang BDO sa account holders ukol sa text scam.

“Beware of a new fake text message from scammers telling you that your account is on hold due to “suspicious activities,” anito sa isang Facebook post.

“Remember: We will never send you links via email or text messages asking you to verify your account,” dagdag ng BDO.

Nauna nang nagbabala ang PNP-ACG sa publiko laban sa text scams na nag-aalok ng trabaho.

Patuloy nito, maaaring magkasa ng legal na aksyon laban sa mga ganitong modusalinsunod sa data privacy laws.

Naglabas din ang Globe Telecom at Smart Communications ng pahayag at sinabing na-block na nila ang spam o scam messages.

Hiniling naman ng National Telecommunications Commission sa telecom companies na magpadala ng text blasts na nagbababala sa kanilang mga kustomer laban sa scam messages. RNT/SA