PNP, AFP sanib-pwersa sa paglansag sa private armed groups

PNP, AFP sanib-pwersa sa paglansag sa private armed groups

March 8, 2023 @ 9:52 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tumugon ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa atas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na lansagin ang lahat ng pribadong armadong grupo sa bansa.

Ito ang binigyang-diin ni PNP Spokesperson, Col. Redrico Maranan, na nagsabing ang pagnib-pwersa ng pulisya at militar ay kasunod ng sunod-sunod na pag-atake ng mataas na profile sa mga lokal na executive, kabilang ang kamakailang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sinabi ni Maranan na gagawa sila ng listahan ng mga political hotspot sa bansa kung saan laganap ang pag-atake sa mga lokal na opisyal.

Sinabi ng tagapagsalita ng PNP na ang pagpapatupad ay sa buong bansa at ikakasa agad  pagkatapos matukoy ang mga hotspot na ito.

“Mayroon nang mga kritikal na lugar na natukoy sa panahon ng halalan. Kaya huwag na nating hintayin ang election period para maging mahigpit tayo sa pagpapatupad ng security measures,” aniya pa. RNT