PNP: Ambush sa local officials, isolated cases

PNP: Ambush sa local officials, isolated cases

March 6, 2023 @ 11:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine National Police nitong weekend na isolated cases ang pananambang sa local government officials kamakailan, dahil sangkot dito ang iba’t ibang mga grupo na may magkakaibang motibo.

“Nangyayari po ‘yan sa magkakaibang lugar na hindi po ginagawa ng iisang group, kundi iba-ibang grupo ang gumagawa, iba-iba ang motibo, iba-iba ang dahilan,” pahayag ni PNP Public Information Office’s PCol. Red Maranan nitong Linggo.

Ito ay kasunod ng pag-atake kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at lima pa napatay sa pamamaril ng mga armadong kakakihan sa sa tahanan ng opisyal nitong Sabado.

Ang pagpatay kay Governor Degamo ang pinakabagong insidente ng pag-atake sa government officials, kabilang ang pag-ambush kina Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. noong February 17; Aparri Vice Mayor Rommel Alameda noong February 19; Maguindanao del Sur Mayor Ohto Caumbo Montawal noong February 22; at Lipa, Batangas Barangay Captain Vivencio Palo nitong nakaraang linggo.

“High profile ang mga biktima rito. ‘Wag kayong mag-alala. Talagang we’re doing our best here, like here in Negros,” ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa parehong ulat. RNT/SA