PNP assets sa Crame, nilinaw ng AFP

PNP assets sa Crame, nilinaw ng AFP

January 8, 2023 @ 11:12 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Sabado na ang lahat ay “normal,” at sinabing ang mga asset ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng Camp Crame ay bahagi ng simulation exercise para sa mga aktibidad ng Pista ng Itim na Nazareno.

“The AFP assures everyone that everything is normal. The movements of PNP assets are part of the simulation exercises in preparation for the Feast of the Black Nazarene,” pahayag ng tagapagsalita ng AFP na si Colonel Medel Aguilar.

“Rest assured that the AFP, in coordination with other government security forces, will always be on guard to protect you from all threat groups,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Aguilar na maayos ang pagpapalit ng command ng chief of staff.

Pormal na itinalaga si Heneral Andres Centino bilang chief of staff ng AFP noong Sabado ng umaga.

“As a professional organization, the whole AFP is united behind the leadership of Gen. Centino as it continues to perform its mission of protecting the people and defending territorial integrity and national sovereignty,” sabi ni Aguilar.

Inihayag ng Malacañang noong Biyernes na itinalaga ni Marcos si Centino bilang chief of staff ng AFP. Nagsilbi si Centino ay bilang AFP chief of staff mula Nobyembre 12, 2021, hanggang Agosto 8, 2022. RNT/SA