PNP, BFP training sa Baguio tinigil ni Magalong sa health protocol violations

PNP, BFP training sa Baguio tinigil ni Magalong sa health protocol violations

July 13, 2021 @ 7:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Iniatas ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Martes, na itigil ang isinasagawang Philippine National Police at Bureau of Fire Protection training sa syudad dahil umano sa mga paglabag sa health protocol.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Magalong na hiniling niya kina PNP chief Police General Guillermo Eleazar at BFP chief Jose Embang Jr. na suspendehin muna ang mga training.

“Pinahinto ko, sabi ko sa kanya stop muna lahat ng training ng PNP dito sa siyudad ng Baguio dahil maraming violation ng minimum public health standards,” aniya.

Ayon sa alklade na tumataas ang COVID-19 cases sa syudad. RNT