PNP, BJMP 99% nang bakunado vs COVID

PNP, BJMP 99% nang bakunado vs COVID

April 25, 2022 @ 10:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Bakunado na ang halos lahat ng kawani ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa inilabas na datos noong Linggo, 224,573 sa 224,305 na miyembro ng PNP, o 99.67 porsyento, ang nakakumpleto ng kanilang pangunahing dosis.

Sa kabuuan, 219,648 pulis o 98.24 porsyento ang nakatanggap ng booster doses.

Ang mga natitira ay bahagyang nabakunahan o naturukan ng paunadong doses pa lang sa 278 o 0.13 porsiyento habang ang hindi nabakunahan ay nasa 454 o 0.20 porsiyento.

Walang mga bagong kaso ang naitala sa hanay ng pwersa ng gobyerno noong Linggo, kung saan dalawa na lang ang aktibong kaso.

Sa datos ng PNP Health Office, 48,863 na kaso ang naitala mula noong magsimula ang pandemya dalawang taon na ang nakararaan, 48,732 ang nakarekober, at 129 ang namatay.

Samantala, 18,593 o 99.76 porsyento ng 18,638 aktibong tauhan ng BJMP ang nabakunahan na laban sa COVID-19 noong Sabado.

Sa 18,593 tauhan na nabakunahan, 17,812 ang nakatanggap na ng kanilang unang dosis, 17,707 ang nakakumpleto ng kanilang pangalawang dosis, at 781 ang na- inoculate ng isang solong dosis na bakuna.

Samantala, 14,183 personnel o 76.10 percent ang nakatanggap ng kanilang booster shots.

Ang BJMP ay kasalukuyang walang aktibong kaso sa mga person deprived of liberty (PDLs) at mga tauhan.

Sa mga PDLs, 126,747 o 96.77 porsyento sa 130,972 ang may COVID-19 jabs — 112,044 na may dalawang doses at 9,852 na may single-dose jab.

May kabuuang 89,433 o 68.28 porsiyento sa mga ganap na nabakunahan ang may booster shots sa datos noong Sabado. RNT