PNP chief Azurin nagsumite ng resignation

PNP chief Azurin nagsumite ng resignation

January 5, 2023 @ 2:36 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pormal na ikinasa ni ng hepe ng Philippine National Police na si Rodolfo Azurin Jr. ang kanyang “courtesy resignation” kasunod ng panawagang self-cleansing sa kanilang hanay kontra iligal na droga.

Nanawagan si Interior Secretary Benhur Abalos Jr. nitong Miyerkules na daan-daang PNP officials mula colonel hanggang heneral ang magbitiw na bilang bahagi ng “cleansing” ng kanilang hanay laban sa iligal na droga.

“Actually lahat kami rito, ‘yung command group ko, they have already submitted… On the record, nauna pa ‘yung command group ko na mag-submit sa akin,” paglalahad ni Azurin sa isang briefing nitong Huwebes.

“Ibig sabihin, doon mo mararamdaman na ‘yung mga senior officers, ‘yung mga general, they are willing to be subjected to an assessment kasi ano ‘yan eh. Paulit-ulit na lang na akusasyon sa hanay namin. This must stop once and for all.”

Matatandaang nadawit si S/Sgt. Rodolfo Mayo Jr. — miyembro ng PNP Drug Enforcement Group Philippine National Police Drug Enforcement Group — nitogn Disyembre sa pag-iimbak umano ng halos isang toneladang shabung na tinatayang nagkakahalaga ng P6.7 bilyon. Nakumpiska ang iligal na droga sa Maynila noong Oktubre.

Nauna nang iginiit ni Azurin na isang “ranking police official” ang nagbalik kay Mayo sa anti-drug unit sa kabila ng background niya bilang diumano’y ninja cop.

“Ang sabi ko, ang on trial dito is our organization. We should think first of our organization, and then the individual interest would follow, and then ‘yung ano natin sa pamilya natin, where we draw our strength,” ayon pa kay Azurin.

“I take this as a rare chance to radically cleanse our ranks and once and for all to clear the names of all third level officers who are not involved in illegal drugs,” patuloy niya.

Naninindigan si Azurin sa “honorable exit” para sa kanya kapag na-clear sa pagkakaugnay sa iligal na droga lalo na’t malinis siyang magreretiro.

Aniya pa, oportunidad ito sa PNP upang mapuksa ang mga “malisyosong” akusasyon sa third level officers.

Samantala, ilang pulis naman ang tumangging maghain ng kanilang courtesy dahil sa “personal and career reasons”, ayon kay Azurin.

“Lumalabas doon puro personal, ‘Personally, hindi ako magsu-submit’, yun yung sinasabi because this is their bread and butter, ito yung career nila. Sabi nga nila parang wala kaming ginawa for the last 30 years,” sabi niya.

“Laging kong sinasabi the organizational interest should always take precedence over yung individual interests natin because we are members of the armed services.”

“When we enter[ed] the service, I think we surrender[ed] majority of our rights and that rights include when you are being called upon and you are being challenged, you should respond because the organization nga who is under trial, e parte ka lang ng organisasyon na to. Are you not going to heed the call because of pride?” dagdag niya.

Ayon pa sa kanya, target ng PNP na makapagsumite ng resignation sa January 31 ang lahat ng nais.

“Ang target date namin sa PNP at least by not later than January 31 ay maka-submit na yung lahat ng magsu-submit.” RNT/SA