PNP chief Azurin tumulak sa UAE para sa Interpol conference

PNP chief Azurin tumulak sa UAE para sa Interpol conference

February 6, 2023 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Umalis ng bansa si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Linggo oara magsilbing kinatawan ng Pilipinas sa 24th Asian Regional Conference of the International Criminal Police Organization (ICPO-Interpol) sa United Arab Emirates (UAE) na target palakasin ang member countries kontra transnational crime.

Pangungunahan ni Azurin ang 10-member delegation ng PNP sa conference mula Martes hanggang Huwebes.

Inihayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo nitong Lunes na tatalakayin sa conference ang isyu ng cybercrime, human trafficking, financial crime, at kampanya laban sa terorismo.

Sinabi rin niya na inaasahang paiigtingin ng conference ang proseso ng pakikipagpalitan ng impormasyon sa member countries para pagbutihin ang laban sa sa transnational crime.

Binigyang-diin ni Azurin ang commitment ng Pilipinas sa pagpapalakas ng laban sa transnational crime sa paglahok niya sa 17th Annual Conference of Heads of National Central Bureaus of the International Criminal Police Organization (ICPO-Interpol) sa Lyon, France noong Nobyembre 2021. RNT/SA