PNP Chief ginawaran ng Medalya ng Kagitingan ang pulis na sugatan, namatay sa Antipolo drug ops

PNP Chief ginawaran ng Medalya ng Kagitingan ang pulis na sugatan, namatay sa Antipolo drug ops

April 24, 2019 @ 6:25 PM 3 years ago


Manila, Philippines – Ginawaran ng Medalya ng Kagitingan ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang pulis na nasugatan at ang isa pang pulis na napatay sa nangyaring engkuwentro sa ikinasang buy bust operation sa Antipolo City laban sa mag-utol na itinuturing na mga notoryus na drug suspect at miyembro ng gun for hire syndicate.

Kinilala ang sugatang pulis na si Pssgt Joseph Monjardin.

Hindi naman pinalad ang kasamahan niyang pulis na si Patrolman Ariel Dapyawen na namatay dahil sa engkuwentro.

READ: Mag-utol na kawatan, pulis dedo sa engkuwentro

Kinilala naman ang mga napatay na suspek na sina Lanie Lajota alyas Laon at Celeste Lajota alyas Etchay.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa sila ng buy-bust operation laban sa mga magkapatid na suspek at nagpanggap na poseur buyer ang isa sa kanilang operatiba.

Aktong iaabot na sana ng mga suspek ang droga nang makatunog ang mga ito na pulis ang kanilang katransaksyon at doon na nangyari ang engkuwentro. Remate News Team