PNP chief nag-sorry sa ‘Muslim’ description sa hostage-takers ni de Lima

PNP chief nag-sorry sa ‘Muslim’ description sa hostage-takers ni de Lima

October 11, 2022 @ 2:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Humingi ng dispensa si Philippine National Police (PNP) chief Rodolfo Azurin Jr. nitong Martes matapos tukuying “Muslim” ang hostage-takers ng nakaditineng si dating senador Leila de Lima.

Pinuna ni Sen. Robin Padilla, isang Muslim convert, ang PNP sa umano’y diskriminasyon matapos ilarawan ang hostage-takers bilang mga Muslim, at sinabing kailangang bigyan ng kaalaman ang mga pulis ukol sa mga bias sa mga Muslim.

“First of all, we would like to apologize to our good senator and his comment is well noted as far as what happened is concerned,” ani Azurin.

“We will try to find out the correct term because if I would say, also my observation in that particular incident, the adrenaline was fast that time,” dagdag niya.

“We will study the comment of the good senator. It is well taken and we’ll try to correct our misgivings or shortcomings on how we called the suspects in the said incident.”

Nakaligtas si De Lima sa hostage-taking ng tatlo pang preso nitong weekend.

Samantala, nagsalita sina Yusoph J. Mando,tagapagsalita ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF); kasama sina Adzhar Alban, Ceso III, NCR Reg. Dir, NCMF; at Cesar Miranda, Director ng BMCA NCMF, sa isang press conference sa NCMF Head Office sa Quezon City, ngayong Martes.

Ayon sa NCMF, inirerekomenda nila sa Philippines National Police (PNP) na rebyuhin o magsagawa ng educational awareness program sa PNP personnel at staff ukol sa religous at cultural sensitivity partikular na sa tamang paggamit ng terminong Muslim at Islam at itigil na ang bias at marginalization laban sa minority Muslim Filipino communities sa bansa. RNT/SA