PNP chief: Paghuli sa illegal vehicles paigtingin

PNP chief: Paghuli sa illegal vehicles paigtingin

August 28, 2022 @ 12:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng Philippine National Police (PNP) nitong Sabado sa Highway Patrol Group (HPG) na paigtingin ang mga operasyon laban sa mga sasakyan na walang plaka at improvised.

Ito ang inihayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. bilang parte ng anti-criminality campaign at traffic violations sa gitna ng mga naiuulat na puting van na umano’y ginagamit sa pandurukot.

Binerioika ito ng National Capital Region Police Office at sinabing hindi totoo matapos umamin ng umano’y biktima na gawa-gawa lamang ang istorya na tinangka siyang dukutin ng tatlong kalalakihan sakay ng puting van sa Caloocan City.

Gayunman, iginiit ni Azurin na, β€œWe need to intensify our operations against stolen vehicles.”

Aniya, ang epektibong oaraan upang labanan ito ay ang koordinasyon sa Land Transportation Office (LTO) upang palakasin ang kampanya laban sa car theft.

Ipinag-utos din ni Azurin sa lahat ng police units sa bansa na paigtingin ang monitoringng malawakang pagkalat ng pekeng impormasyon, partikular na ang nagsisilbing banta at misinformation na posibleng maging ugat ng social conflict.

β€œI call the attention of our public to be more mindful of what we are posting on our social media sites and refrain from spreading unverified information from unknown sources that may lead to public disturbance, panic, and confusion,” pahayag niya.

Inabisuhan din niya ang publiko na mag-follow sa legitimate news outlets at pages ng government agencies para sa impormasyon.

“If they have personal information or knowledge about a certain incident, it’s better that they report it directly to the nearest police station or call the PNP’s hotline numbers so the PNP can immediately respond to the incident,” dagdag ni Azurin. RNT/SA